anong oras na! 5:30 na!

Usapan ng dalawang mayabang…

Tomas: Panis ka sa aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Verzo: Alam ko.
Tomas: Ha!? Paano mo nalaman?!
Verzo: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

nyacheche! :lol:

———————————————————————-

Usapan ng dalawang bata…

Dodong: Magaling ang tatay ko! Alam mo, ‘yang Pacific Ocean , siya ang humukay nun!
Cocoy: Wala ‘yan sa tatay ko! Alam mo ‘yung Dead Sea ?
Dodong: Oo…
Cocoy: Siya ang pumatay nun!

———————————————————————-

Advantage at disadvantage ng may-asawa…

ADVANTAGE: ‘Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: ‘Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!

———————————————————————-

Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa ‘kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: ‘Yun lang? Anong masama ru’n?
Harry: Ang masama ru’n… twins kami pare! Twins!

5 Responses to “anong oras na! 5:30 na!”

  1. LAY Says:

    cute……

  2. avril Says:

    I LOVE IT…I LIKE IT..

  3. czarina Says:

    its okey

  4. Bernard Says:

    ayos, simple pero rock! good work!

  5. swine Says:

    pangit ng joke mo wala akong maintindihan naku naku naku pati ikaw kung cno kamang gumawa cguro pangit ka rin

Leave a Reply