Mga Usap-Usapin
Sa prusisyon.
Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose, mga girls, sa karo ni Mama Mary.
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!
—————————————–
Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!
Leo: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!
—————————————–
Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo madaling kumita ng P10? O, eto P5.
—————————————–
Intsik: Bili kayo panty. Kapag sinuot ito, hindi kayo mabubuntis.
Babae: Bigyan mo ako ng tatlo. 3 months later, galit si babae: Bakit ako nabuntis?
Intsik: Baka naman hinubad mo!
—————————————–
Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.
—————————————–
Mother superior: Hala, layas dito sa kumbento!
Madre: Bakit po? Dahil po ba sa paggamit ko ng vibrator?
Mother superior: Hindi, ayoko lang may nakikiaalam sa gamit ko!
—————————————–
Ifugao: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Ifugao: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?
March 13th, 2007 at 4:18 am
Patok si Pulgar!!
March 18th, 2007 at 7:21 am
di la hat ng mga may pakpak lumilipad
- Modess
February 21st, 2008 at 9:13 am
nice
November 26th, 2008 at 8:31 am
galing nmn nakakatawa tlaga